di pwede check. dapat mayroon kang debit card o bank account. sa debit card, union bank debit card lang ang pwedeng e link sa paypal. 500 ang fee para maka apply ka at taon2 ka babayad nun para manatiling open account mo.
mas marami pong viewers sa webtoons kaya huwag kang mahihiya sa pag publish ng comic mo dun. totoo nga na kailangan mo ng napakaraming views at subs para bigyan ka nila nga pera kahit di ka featured creator pero may mga readers din na willing mag donate sa patreon kapalit ng exclusive content gaya ng ship art, video process, psd, o kung ano gusto mo. gumawa ka din ng tier na walang kapalit na kahit ano. baka sakali may mag dodonate na walang gustong kapalit.
kahit di ka pa kontento sa style mo, mas maganda talaga na ipagmalaki mo gawa mo sa lahat ng sites na maisip mo. magugulat ka nalang na pag naimprove ka na, andyan pa rin yung mga totoong fans mo. ang sarap sa pakiramdam nun!