166 / 286
Dec 2016

Ang reason ko nga kung bakit wala na tagalog version yung comics ko kasi halos wala naman Pinoy na nagbabasa ng story ko. Kaya inupload ko na lang sa hosting sites yung english version, so halos lahat ng readers ko foreigner.

Back in 2010 yung nagstart webcomic ko wala pa ako FB. Nung nagupload ako sa FB 2012, like what @avimHarZ said, ayun agiw... So di na ako nag uupload dun. Parang mahirap din mag upload ng story based sa FB. Kung gag-a-days walang problema.

Ang problem kase sa FB tinatago nila ung post mo sa mga friends/followers pag hindi sila nag-engage sa iyo ng madalas. So unless active ka magpost sa mga groups dun. Waley... Kaya di ako nag-uupload sa FB. Mga isang panel lang tapos ililink ko na lang ung Tap.

Sinalihan nga ako sa isang FB page bilang admin eh. At nang makita ko, kailangan pang magbayad upang maabutan mo ang audience mo. I think it's any other FB page, nangongolekta talaga ng agiw unless magpapansin ka o magbayad. Pero nasa pananaw ko lang iyon.

Kalokohan lang yan ng FB. Hindi naman kelangan gawin yan. Mas maige pang magpost ka na lang sa mga groups.

Kelangan magbayad? Kung gagawin ko yun lalo lang ako maghihirap haha. Natry nio na po ba magpost ng webcomic sa line?

Hindi pa ako nakakapag-post ng webcomic sa Line. Pero nakita ko na maraming gumagawa doon. Maganda ba?

Natry ko na magpost don dati, sumali na din ako sa mga pa contest nila. Medyo malas lang hindi ako magaling haha Okay din syang platform para sa mga artists na gaya natin. For me okay sya.

Nagpopost ako sa LINE. In my opinion, okay naman siya. Actually mas marami pa ako subs dun kesa dito sa Taps (3x more actually). Parang nakakatakot lang ung rating system pero wag nyo nalang pansinin un. Ang issue lang dun mas gusto ng readers na mahaba ung mga update. Nabibitin sila pag 1 page per update na ginagawa dito sa Taps. So far, wala pa naman ako bad experience tsaka may chance na kumita dun pag featured ka. : )

Yup! Maganda ding opportunity although iba lang sya ng konti sa tapastic (para talagang ulam pag sinasabi ko ung TAPAstic). Kung gusto mo madiscover dun or maging featured artist, may sinet silang mga guide for example na dun ung mahaba habang updates, often magupdate, and etc.

Once a week lang ako mag-update dun eh. Actually di ko nga masyado pinopromote ung webtoons ko sa social media (except twitter pero bihira lang din) pero mas madami pa ako subs dun. Di ko alam kung anong magic ang ginagawa nila. hahaha!

Yung comics ko lately ko lang inupload sa webtoons. Ina-adjust ko yung font size para madali mabasa sa mobile. So far 13 subs yung sa line pero wala ako nakukuha comments unlike dito sa tapastic nung nasa ganun range subs ko ang dadaldal na nakuha kong readers.XD tapos wala pa notifications so di ko alam kung may nag comment. Tuloy tuloy lang upload ko siguro hanggang makaabot sya sa latest page dito sa tapastic.

Un lang problem sa webtoons. Walang notifs ung comments. Kakalkalin mo pa every page which is di ko ginagawa kase time-consuming. Hahaha! Pero mas madami nagcocomments dun kesa sa Taps.

Ganun din nangyayare sakin. Pero pag minsan pag walang magawa tignan ko talaga kung meron comments (nakakatuwa kasi may nakakaappreciate ng comics mo), minsan nga lang sa tagal di ko na lang magload matignan haha.

Ung mga latest comments na lang ung tinitingnan ko. Hahaha! Sobrang dami na ng posts ko dun. XD

Haha katamad na basahin ung iba lol. Balak ko uli mag upload dun. Pero ewan ko kelangan ko pa mag edit ng mag edit sa webcomic ko. More practice pa lol

Suggest ko mag-ipon ka muna ng buffer para regular ung updates mo. : ) Ganyan ginagawa ko wagas sa buffer. XD

Ay truelaloo! Ganyan ginagawa ko ngayon. Yung dati kase nagahol ako saka ndi maayos mga artworks. Atleast dito wala masyadong hahabulin lalo nat pinagsasabay school or kung ano p man.